LIHAM PANGNEGOSYO
Quarry St. Cagayan de Oro City Ika-16 ng Marso,2033 G. Harold C. Ocampo Tagapamahala Ng negosyo Mr. Digby's, Bar & Restaurant SM Downtown,CDOC Magandang araw mahal na G. Ocampo, Nasabik ako nang Makita ko sa isang website na naghahanap kayo ng waitress para sa inyong kompanya. Nais kong ipaalam sa inyo na interesado po akong pumasok bilang waitress ng Mr. Digby's, Bar & Restaurant at nais kong makatulong sa tagumpay ng Mr. Digby's, Bar & Restaurant. Mayroon na rin po akong naging karanasan sa pagserbisyo sa mga customer sa isang restaurant noon sa Mad Eats. Umaasa po ako na sana mabigyan ninyo ako ng pagkakataon na makapagtrabaho sa inyong kompanya. Nakalakip dito ang aking resume para mas malaman pa ninyo ang aking karanasan sa Mad Eats Restaurant. Maaari ninyo akong ma-contact nang kahit anong oras sa pamamagitan ng aking email (Elisse@gmail.com) at cellphone number (+6939201234567). Maraming pong salamat, Lubos na gumagalang, Elisse E. Bazz